Kevin Love

CLEVELAND (AP) – Magkasama silang naging Olympic champions, at naghintay sina Kevin Love at LeBron James ng 30 araw upang muling maging magkakampi.

Limampung taon nang uhaw sa kampeonato ang Cleveland.

Isang tagtuyot na ang natigib. Isa pa ang layon nilang matapos.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sa unang araw na nagawa nilang makumpleto ang matagal na pinag-usapang blockbuster trade, ipinadal ng Minnesota Timberwolves si Love sa Cavaliers, na tinapos ang kanilang summer sa pagkakakuha sa All-Star power forward upang makatuwang ni James at gawin silang title contenders.

Hindi nag-aksaya ng panahon si James upang batiin si Love.

‘’Welcome to the Land @kevinlove!’’ ang ipinoste ng four-time league MVP sa kanyang Twitter account.

Ang Cleveland, ang lungsod na wala pang major sports championship mula 1964, ay mayroon nang isa pang superstar.

Malaki at marami ang nakuhang kapalit ng Timberwolves sa kanilang pagpapakawala kay Love. Nakuha nila ang No. 1 overall draft choice na si Andrew Wiggins at dating top pick na si Anthony Bennett mula sa Cavs at ang beteranong forward na si Thaddeus Young mula sa Philadelphia 76ers sa isang three-team deal.

‘’When it boils down to it, Kevin over his six years, he kept on saying ‘I want to win. I want to win,’’’ pahayag ni Timberwolves President Flip Saunders. ‘’Unfortunately over these last years, both him and the team haven’t been able to do that. He felt it was best for him to go elsewhere.

‘’I was happy we were able to work with him and (agent) Jeff Schwartz and put him in a situation that he’s going to have the ability to do that and we’re going to have the ability for us to have an identity of where our team is at and continue to grow.’’

Nakuha ng Sixers ang 2015 first round draft choice mula sa Cleveland – isa sa mga nakuha ng Cavs mula sa Miami para kay James noong 2010 – at ang guwardiyang si Alexey Shved at forward na si Luc Mbah a Moute mula sa Timberwolves, na nakakuha rin ng trade exception na nagkakahalaga ng may $6.3-milyon.

Ilang buwan nang pinag-uusapan ng Cavs at Timberwolves ang isang trade na may kinalaman kay Love, bago pa nagdesisyon si James na tapusin ang kanyang paglalaro para sa Heat at magbalik sa Ohio.

Tumagal ang deal hanggang summer, una dahil sa pag-aalinlangan ng Cleveland na isama si Wiggins, at dahil na rin sa isang league rule na pumipigil na makumpleto ito hanggang 30 araw matapos lumagda si Wiggins sa kanyang rookie contract.

Ngunit nang matapos ng mga koponan ang isang conference call sa liga noong Sabado, wala nang nakapigil sa muling pagsasama ng pinakamagaling na manlalaro sa mundo at ang pinakamagaling na power forward ng liga. Idagdag pa rito si All-Star point guard na si Kyrie Irving at si James na ang ringleader ng trio na may potensiyal na manalasa dahil ang tambalan nila ni Dwyane Wade at Chris Bosh ay nabuwag na noong nagdaang buwan.

‘’Kevin joining the Cavaliers represents a very special and unique opportunity for our team,’’ ani Cavs general manager David Griffin. ‘’At only 25, Kevin has already firmly established himself as one the NBA’s elite players and his talent, versatility and fit are major parts of our team’s vision for success.’’

Ang pagdating ni Love ang isa sa naging two-month turnaround para sa Cavs, na nagawa lamang manalo sa 33 laro noong huling season at hindi pa nakaaabot sa playoffs mula nang umalis si James noong 2010.

Naikandado ng Cleveland si Irving, ang All-Star Game MVP noong nakaraang taon, sa isang maximum contract extension sa unang araw ng free agency at niyanig ni James ang liga nang inanunsiyo niya ang kanyang pagbabalik upang subuking dalhin ang titulo sa Northeast Ohio. Liban dito, pinapirma rin ng Cleveland ang free agents na sina Shawn Marion, Mike Miller at James Jones, mga beteranong manlalaro na mayroong NBA titles sa kani-kanilang resumes.

‘’I want to personally thank Kevin Love for his six seasons with the Wolves,’’ sabi ni Timberwolves owner Glen Taylor. ‘’On the floor, Kevin has worked hard to make himself a great player in the NBA. He also made it a priority to give back to the community, we wish him nothing but the best in Cleveland.’’