Hindi nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA) ang ilang medical-grade oxygen-generating machine sa ilang ospital sa bansa. Ito ang babala ng FDA sa publiko, sa bisa ng Memorandum Circular na inilabas ng ahensiya.

“FDA has received reports of the existence of oxygen-generating machines being set-up by both public and private hospitals for their own production of medical-grade oxygen, either stored initially in cylindrical tanks, or directly fed into tubes to patients,” saad sa circular ng FDA.

Nagbabala rin ang FDA na maaaring magdulot ng panganib ang mga naturang makina, lalo dahil hindi naman dumaan sa pagsusuri ng FDA ang mga ito.

“Upon regulatory inspection, review, and validation of available data on unregistered medical oxygen, it is found that there is no quality assurance/quality control in place, thus safety, efficacy and quality may be compromised,” anang FDA.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Inatasan na ng FDA ang mga nasabing pagamutan na itigil na ang paggamit sa mga nasabing makina at kumuha ng lisensiya para sa mga ito.

Nagbanta pa ang FDA na ang mga mabibigong sumunod sa nasabing direktiba ay mapapatawan ng parusa, gaya ng multa, suspensiyon, kanselasyon o pagbawi sa license-to-operate, at posibleng legal actions.