Malaya ang mga kawani ng gobyerno na lumahok sa idaraos na kilos-protesta kontra pork barrel system sa Roxas Boulevard ngayong Lunes, Agosto 25.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang inilabas na anumang direktiba ang Malacañang na nagbabawal sa mga empleyado ng gobyerno na dumalo sa nasabing protesta.

“Malaya silang lumahok sa protesta basta tiyakin nila na hindi makokompromiso ang kanilang serbisyo,” sabi ni Valte.

Inaasahang lalahok sa nasabing kilos protesta ang ilang kawani ng gobyerno, sa pangunguna ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), bilang suporta sa signature campaign para sa ganap na pagbasura sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel system.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Gayunman, umaasa ang Palasyo na maisasagawa at matatapos nang payapa ang rally, na isasabay sa paggunita sa National Heroes Day.