Upang maibsan ang inaasahang pagbibigat ng trapiko sa C-5 Green Meadows dahil sa konstruksiyon ng pedestrian footbridge, binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “zipper lane” o “counter flow lane” kasabay ng pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino na hindi ipatutupad bukas, National Heroes Day, ang number coding scheme.

Paulit-ulit ang abiso ng MMDA sa mga motorista upang maiwasan ang abala at aberya sa pupuntahan ng mga ito sa pagsasara sa southbound lane ng C-5 Green Meadows dakong 11:00 ngayong gabi upang bigyang-daan ang konstruksiyon sa pedestrian footbridge sa nasabing lugar.

Gayundin, isasara ang C-5 Green Meadows sa northbound lane simula 11:00 ng gabi ngayong Linggo hanggang 4:00 ng umaga bukas, Lunes. Upang matiyak na magiging maayos ang trapiko ay binuksan ng MMDA ang zipper lanes sa mga motorista.

Nakapaloob din sa advisory ng MMDA na ang outermost southbound lane ng C-5 Road mula J. Vargas hanggang CJ Caparas sa Pasig City ay sarado dakong 10:00 ng gabi noong Biyernes hanggang 5:00 ng madaling araw bukas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, kinukumpuni rin ang mga kalsada sa southbound lane ng Araneta Avenue mula Del Monte hanggang Maria Clara Street, southbound lane ng E. Rodriguez Jr. Avenue at C-5 Road, northbound lane ng Fairview Avenue mula Doña Carmen hanggang Winston Street at westbound lane ng Congressional Avenue mula Mindano Avenue hanggang April Street.