GENEVA/MONROVIA (Reuters) – Kung ikokonsidera ang mga pamilyang nagtatago ng mga mahal nila sa buhay na may Ebola at ang pagkakaroon ng “shadow zones” na hindi mapuntahan ng mga doktor, nangangahulugang ang epidemya ng Ebola sa West Africa ay higit pa sa inaakala, sinabi kahapon ng World Health Organization (WHO).

May 1,427 katao ang namatay sa 2,615 batid na kaso ng nakamamatay na virus sa West Africa simula nang unang matukoy ang outbreak noong Marso, ayon sa bagong datos na inilabas ng WHO noong Biyernes.

Sinang-ayunan ang pangamba ng WHO na maraming kaso ng Ebola ang hindi pa naitatala, sinabi ng mga independent expert na posibleng mas malubha pa ang epidemya dahil itinataboy ng ilang residente sa mga apektadong lugar ang mga health worker at tumatanggi sa lunas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho