MONROVIA (AFP) – Nangako kahapon ang United Nations na maninindigan sa “strong role” para tulungan ang Liberia at ang mga kalapit bansa nito laban sa nakamamatay na outbreak ng Ebola sa West Africa, na aabutin ng ilang buwan bago makontrol.
Ang Liberia ang pinakamatinding apektado ng epidemya na mabilis na kumalat sa rehiyon simula noong Marso, at pumatay na sa 1,427 katao.
“The magnitude of this outbreak requires a higher level of coordination than previous responses and the UN Mission in Liberia will play a strong role in this effort,”sabi ni Karin Landgren, ang espesyal na kinatawan ni UN Secretary-General Ban Ki-Moon sa bansa.