Isa sa mga layunin at dahilan na ang Agosto ay ipinahayag na Buwan ng Wika at Nasyonalismo sapagkat hitik ang Agosto sa maraming makasaysayang pangyayari ang naganap sa Pilipinas na magpapaalab at magpapatingkad sa pagkamakabayan ng mga Pilipino. Isa na rito ang Sigaw sa Pugad Lawin (isang sityo sa Balintawak, Queon City) na ginugunita tuwing ika-23 ng Agosto. Mahalaga ang Sigaw sa Pugad Lawin sapagkat simula ito ng himagsikan ni Gat Andres Bonoifacio, ang ama ng Katipunan at ng iba pang rebolusyunaryo laban sa mga mapanupil na Kastila. Ang Sigaw sa Puad Lawin ay nagpapagunita sa makasaysayang pook sa bakuran ni Juan Ramos, anak na lalaki ni Melchora Aquino o Tandang Sora na Ina ng Katipunan.

Ayon sa kasaysayan, ilang araw matapos na ipagkanulo sa mga prayle at mabunyag ang lihim ng Katipunan, si Gat Andres Bonifacio, kasama ang may 500 Katipunero ay nagpulong sa Pugad Lawin kabilang ang mga rebolusyonaryong sina Aurelio at Jacinto Tolentino ng Morong, Rizal at Gregorio Mendez ng Tanay, Rizal. Sa nasabing pulong, pinag-usapan ang simula ng paghihimagik laban sa pamahalaang Kastila. At matapos magkasundo, napagkaisahang ilabas ang kanilang mga sedula, pinunit bilang tanda ng determinasyon na simulan ang paghihimagsik laban sa masama at mapanupil na pamamahala ng mga Kastila, kasabay ang sigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan!”

Isa nang mahalagang bahagi ng kasayayan ang Sigaw sa Pugad Lawin. Si Gat Andres Bonifacio at ang lahat ng manghihimagsik na lumahok sa Sigaw sa Pugad Lawin ay isang inspirasyon at halimbawa ng pag-ibig sa bayan, sa pagiging isang Pilipino at sa maalab na hangaring mapalaya ang bansa mula sa lahat ng anyo ng pagkaalipin.

Sa ating makabagong panahon, magkaroon pa kaya ng isa pang paghihimagsik tulad ng Sigaw sa Pugad Lawin ang sambayanang Pilipino upang tuluyang maputol ang pagsasamantala ng mga tiwali, bulok na lingkod ng bayan na sariling interes ang pinaglilingkuran? Nagiging mga tulisan at mandarambong ng pondo ng bayan na nagbubunga ng paghihirap ng mamamayan.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente