Inihayag ng Bureau of Customs (BoC) na aabutin pa ng susunod na taon bago magbalik sa normal ang operasyon sa mga shipping port sa Maynila dahil sa problema sa logistics.

Sinabi ni BOC Spokesperson Charo Lagamon na imposibleng maibalik sa normal ang operasyon ng mga port ngayong taon dahil hanggang Disyembre 31 ang palugit sa pag-aalis ng libu-libong walang lamang container sa mga port.

“We need to be moving out 8,000 containers a day there’s no way we can do that from now until December 31, if importers and brokers do not utilize the weekend schedule,” sabi ni Lagamon.

“We have a finite number of trucks and therefore they should have to be taking advantage of the days, when the roads are not congested with traffic,” dagdag niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tiniyak naman ni Lagamon na sinisikap na ng BoC, katuwang ang iba pang ahensiya ng gobyerno, na resolbahin ang problema.

Sa panig naman ng BoC, sinabi niyang pinili ng kawanihan na palawigin ang operasyon nito upang mapagbigyan ang mas maraming importer at broker na magproseso ng kani-kanilang kargamento.

“We urged private companies to claim their shipments during the weekend, when there are now traffic. We also called on importers and brokers to file their entries properly to avoid delays from misdeclaring their shipment,” ani Lagamon.

Gayunman, inamin ni Lagamon na hindi nila maaaring puwersahin ang may-ari ng mga nakatambak na container na ilipat ang mga ito sa Subic at Batangas.

Inilabas ng BoC ang pahayag makaraang sisihin ng isang ulat sa telebisyon ang BoC sa pagtaas sa presyo ng frozen goods sa palengke dahil sa kabiguan umano ng kawanihan na masolusyunan ang pagsisikap sa mga port.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), nakatambak sa may 105 porsiyento ng Manila Container Terminal ang 50,000 walang laman na container van, at inaasahang lalala ang sitwasyon sa pagdagsa ng mga kargamento habang nalalapit ang Pasko. - Samuel P. Medenilla