Nagpahayag ng pangamba ang isang Catholic bishop na isa umanong “patibong” para sa term extension ng mga lider ng bansa, partikular na ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, ang isinusulong na pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 constitution.

Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo, sa oras na mabuksan ang Saligang Batas para sa amendments ay malaki ang posibilidad na gawin ng administrasyon ang lahat ng pagbabago sa konstitusyon na hadlang sa interes nito.

Maging ang pagpapahaba ng termino ng Pangulo ay maaari rin umanong sakupin sa pagbubukas ng constitutional amendments. “No ako sa opening of the constitution at this time because once you open it, everything will be open, you cannot limit it as economic provision lang.

Once you open, it is open, and therefore it is highly suspect na baka pati ang term limits ay kasama din iyan. Kaya ang posisyon ng Simbahan no to constitutional change at this time kasi maraming vested interest looking over it,” sinabi ni Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bag, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Ganito rin ang pananaw ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na nagsabing dapat pag-aralan nang matagal ang pinaplanong pag-amyenda sa Saligang Batas ng Pilipinas. Iginiit din ng obispo na kailangang mayroong ‘say’ ang taumbayan kung sakaling magtagumpay ang mga mambabatas sa pagsusulong ng Charter Change.

Binigyang-diin ni Pabillo na hindi maaaring ipagkatiwala sa mga mambabatas at Malacañang ang Cha-Cha dahil inihalal sila ng taumbayan para gumawa ng makabuluhan at kapakipakinabang na batas at hindi para baguhin ang Konstitusyon.