Kinuwestiyon ng mga gun advocate ang hakbang ng Philippine National Police (PNP) na obligahin ang mga may ari ng baril na kumuha ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) upang sila ay makapagparehistro ng kanilang armas.

Subalit agad na nilinaw ni Ernesto Tabujara, pangulo ng PRO-GUN, na hindi sila kontra sa pagpapatupad ng LTOPF dahil nakasaad ito sa bagong Comprehensive Firearms and Ammunitions Law of 2013.

Ang kanilang kinukuwestiyon ay ang plano ng PNP na isama ang mga may-ari ng baril na lisensiyado sa mga kailangang kumuha ng LTOPF.

Itinuring ng grupo na uncons-titutional ang hakbang ng PNP hinggil sa LTOPF`.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Iginiit ni Tabujara na dati na nilang nakumpleto ang requirements ng PNP sa pagpaparehistro ng baril.

Ayon sa PNP, umabot na sa 1.7 milyon ang rehistradong baril sa bansa at 600,000 ang mapapaso na ngayong 2014. - Aaron Recuenco