Bibigyan ng parangal ang mga natatanging personahe na nag-ambag ng karangalan sa bansa sa gaganaping ika-25 taong anibersaryo ng Philippine Sports Commission (PSC).

Sinabi kahapon ni PSC Planning and Research chief Dr. Lauro Domingo Jr. na inaprubahan na ni PSC chairman Ricardo Garcia ang pagkakaloob ng Hall of Fame award para kilalanin ang mga empleyado at mga naunang atleta na nagbigay ng ‘di matatawarang karangalan mula sa iba’t ibang mga palakasan.

Inayunan na rin ng PSC top honcho ang pagpapalabas ng coffee table book na naglalaman ng mga nagawa ng PSC sa nakaraang 25 taon o mula nang itatag ang government sports agency noong Enero 1990. Bukod dito, nakalinya rin ang 25 Sports Festival para sa 25 national sports associations (NSAs).

“We want have a colorful and meaningful silver anniversary. Hindi naman extravagant. We want to show to everybody na umabot na pala kami ng 25 years at ano na ba ang accomplishments ng PSC?,” sinabi ni Garcia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Plano rin sa Hall of Fame na ‘di lamang ang mga atleta ang pagkalooban ng award kundi ang mga nakatuwang ng PSC sa pagpapasigla ng sports na tulad ng local government unit, foundation, academy, team manager, tri-media, athletic director at iba pa.