Pagtutuunan ng Philippine Sports Commission (PSC), base sa nakasaad sa batas na nagbuo ditto, ang pagpapalakas sa grassroots sports development program upang matugunan ng bansa ang pagpapadala ng mga de-kalidad na batang atleta sa Asian Youth at Youth Olympic Games.

Ito ang inihayag ni PSC Chairman at Philippine Chef de Mission sa 17th Asian Games na si Richie Garcia matapos na makita ang aktuwal kompetisyon sa ginaganap na 2014 YOG sa Nanjing, China kung saan kasama nito ang pitong batang atleta.

“We really have to strengthen our grassroots now,” sinabi ni Garcia sa Balita. “We are watching by our very own eyes young athletes but are really like seasoned athletes. That is how the quality of athlete our neighbor countries had.”

Una nang ipinatupad ni Garcia ang PSC Laro’t-Saya, PLAY N LEARN program upang ang maging mga magulang ay maingganyo habang kasama ang kanilang mga anak na matuto ng iba’t ibang sports.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pagtutuunan din nig PSC ang pagbibigay kalidad sa Batang Pinoy upang tuluyang makadiskubre ng natatanging mga kabataan na unti-unting hubugin at maging miyembro ng national pool.

Umaasa naman si Garcia na magagawa ng mga batang atleta sa ginaganap na 2014 Nanjing YOG na manatiling buhay ang tsansa na makapag-uwi ng medalya.

Isa na dito ang archer na si Bianca Crsitina Gotuaco na nakatakdang lumaban sa Olympic round ng women’s individual recurve sa Fangshan Archery Field.

Ang 17-anyos na si Gotuaco ay nagtala ng 642 puntos sa 72 arrows at tumapos na ika-11 mula sa 32 babaeng kalahok. Ang estudyante mula sa International School Manila ay may 322 puntos sa first half at 320 sa final half.

Sariwa pa si Gotuaco sa pag-uwi ng gintong medalya sa kompetisyon sa Ohio kung saan ay tinulungan nito ang Pilipinas na talunin ang Mexico sa labanan sa tansong medalya sa Seoul International Archery Fiesta.

Kasagupa ni Gotuaco habang isinusulat ito sa Olympic round o knockout stage ang umokupa sa ika-22 na si Miasa Koike ng Japan (618 points).

Ang isa pang archer ng Pilipinas na si Gabriel Luis Moreno ay nagtala lamang ng 605 upang okupahan ang ika-30 puwesto mula sa 32 lalaking archers. Si Moreno, siyang flag-bearer ng Pilipinas, ay nagtala ng 325 subalit 280 lamang sa final half.

Makakatapat nito ang pumangatlo na si Marcus D’Almeida ng Brazil (683) sa ganap na alas-3:00 ng hapon.

Nakatakda din sumabak si Ava Lorein Verdeflor na nagkasya sa ika-11 puwesto sa women’s all-around ng artistic gymnastics noong Huewbes, ay sasabak sa ganap na alas-6:00 ng gabi sa kampeonato ng uneven bar sa Olympic Sports Center Gymnasium.

Sasabak sa ganap na alas-8:00 ng gabi ang track athlete na si Zion Rose Nelso sa 400 meters (Finals B) matapos itong pumang-apat sa heat sa oras na 56.22 segundo.