Sinandigan ng Batang Gilas-Pilipinas ang suportang ibinigay ng overseas Filipino workers (OFWs) upang itakas ang 82-79 panalo kontra sa host Qatar sa pagsisimula ng salpukan sa Group F ng 23rd FIBA Asia U18 Championship sa Al Gharafa Stadium sa Doha, Qatar.

Tila naging isang lugar sa Pilipinas ang Al Gharafa sa pagdayo ng mga Pilipinong nakatira sa Doha kung saan mahigit sa 3,000 katao ang nagbigay suporta at nagbunyi kontra sa home team kung saan ay naitala nila ang ikalawang panalo sa torneong nakataya ang tatlong silya sa 2015 World Championships.

Ang suporta ng fans ang nakatulong sa Batang Gilas upang mapuwersa ang Qatar sa krusyal na huling dalawang error na nagbigay ng dalawang pagkakataon sa Pilipinas tungo sa pag-agaw sa panalo. Napanatili naman ng China, Korea at Iran, ang tatlong nag-uwi ng medalya sa 22nd FIBA Asia U18 Championship sa Ulaanbaatar (Mongolia) noong 2012, ang kanilang malinis na kartada.

Binigo ng China ang Jordan, 97-55, tinalo ng Iran ang Hong Kong, 107-42 habang dinurog ng Korea ang Malaysia, 104-61.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sinandigan ng Batang Gilas sina Ranbill Tongco at Paul Desiderio na kapwa nagtala ng tig-13 puntos matapos na ilapit ang koponan sa iskor na 78-79 bago ibinigay ang abante sa 80-79. Dito na umiskor si Tongco at si Kobe Paras ng isa sa dalawang free-throws sa end-game upang selyuhan ang panalo.

Napagmalas si Mohammed Abdulrahman Saad ng matinding paglalaro sa Qatar sa pagtala ng tournament-high 35 puntos, 12 rebounds, 3 assists at 2 steals subalit ang pagnanais nitong makaiskor sa huling bahagi ang nagtulak dito sa back-to-back na pagkakamali sa natitirang kalahating minuto.

Bunga ng panalo, napaganda ng Pilipinas ang tsansang makausad sa quarterfinal kung saan ay nakasagupa nila kagabi ang kasalukuyang gold medalists na China at ang kapwa SEABA team Malaysia ngayon.