Agosto 23, 1954 unang bumiyahe ang C-130 prototype. Ang 70-toneladang pampasaherong eroplano ay inilunsad sa Edwards Air Force Base, at minaniobra ng mga test pilot na sina Stan Beltz at Roy Wimmer.

Pagkatapos ng naming contest, tinawag ng pamunuan ng nagdisenyo ng eroplano, ang Lockheed, ang turboprop aircraft bilang “Hercules.” Sa unang beses ay nasubukan sa labanan ang C-130 sa Vietnam War, nagbiyahe ng mga supply at ng mga sundalo sa mga lugar ng digmaan. Ang C-130 ang may pinakamatagal nang produksiyon ng military aircraft sa kasaysayan, na sinimulan noong 1955. Mahigit 60 bansa na ang nakabili ng C-130.

Sumabak din ang nasabing eroplano sa malalaking giyera, gaya sa Yom Kippur War noong 1973 at sa Gulf War noong 1991. Inilunsad din ang maraming klase ng C-130, na ginagamit sa aerial refueling at electron warfare.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>