Ni LESLIE ANN G. AQUINO
Sa ngayon, walang kapangyarihan ang Commission on Elections (Comelec) na pigilan ang maagang pangangampanya ng ilang pulitiko na tatakbo sa May 2016 elections.
Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na kung pagbabasehan ang batas sa halalan, wala pang nangangampanya dahil wala pang kandidato.
“Technically, under election laws, nobody is campaigning yet because there are no candidates yet… there are no present prohibitions for them to do what they are doing since they are not considered candidates yet,” sabi ni Brillantes sa panayam.
“You cannot stop them from doing it. If you say stop early campaigning, it means we will just all stay quiet. In the country, once the elections end, like May 2013, the campaigning starts immediately after for May 2016,” dagdag ni Brillantes.
Ito ay sa kabila nang deklarasyon ng ilang pulitiko na sila ay tatakbo sa pagkapangulo sa May 2016 elections tulad ni Vice President Jejomar Binay at Senator Alan Peter Cayetano.
Sa ilalim ng Republic Act 9369, “any person who files his certificate of candidacy (COC) shall only be considered as a candidate at the start of the campaign period and that unlawful acts applicable to a candidate shall be in effect only upon that start of the campaign period.”
Subalit iginiit ni Brillantes na ang ilang panukala, tulad ng inihain na “Anti-Epal” bill ni Senator Miriam Defensor Santiago ay makatutulong upang maiwasan ang premature campaigning ng mga opisyal ng gobyerno.
Kamakailan ay binatikos ni Pangulong Aquino ang ilang pulitiko na nangangampanya ng maaga bilang paghahanda sa 2016 elections dahil naaapektuhan ang kanilang pagseserbisyo sa mga mamamayan.