Ang malaking bilang ng kabataang Pilipino ay isang mahalagang sangkap para sa pangmatagalang paglago ng ekonomiya, ayon sa ulat ng “Population Aging Will Dampen Economic Growth over the Next Two Decades” ng global credit watcher Moody’s Investors Service. Kabilang ang Pilipinas sa 23 bansa na inuri ng Moody’s sa ilalim ng “not-aging category” mula sa 2015 hanggang 2030, na nangangahulugan na ang bahagi ng nakatatandang populasyon sa kabuuang bilang ng mamamayan ay nasa ilalim ng 7%.

Ang nakatatandang Pilipino ay tinatayang nasa 4.1% ng populasyon sa susunod na taon, na higit na mas mababa sa kaysa ibang bansa, ngunit lalago ng 4.9% pagsapit ng 2020, at sa 5.6% sa 2025, at 6.3% ng populasyon pagsapit ng 2030. Kumpara sa mga bansa sa Southeast Asia tulad ng Thailand, Malaysia, Indonesia and Singapore, optimum ang status ng Pilipinas sa larangan ng demograpika, ayon sa Moody’s. Magsisimulang tumanda ang Thailand mula 2015 hanggang 2020 at magkakaroon ng populasyon ng “matatanda” pagsapit ng 2025. Tatanda na rin ang mga populasyon ng Malaysia at Indonesia sa 2015 hanggang 2020, at hindi maituturing na “hindi tumatanda” sa susunod na anim na taon. Maaaring mabilis ang pagbaba bilang ng ng manggagawa sa Singapore at magsisimulang tumanda pagsapit ng 2015 hanggang 2020, at magkakaron ng populasyon ng “matatanda” pagsapit ng 2015 at “super-aged” pagsapit ng 2030. Inaasahan ang mabagal na paglago sa mga bansang na daranas ng malaking pagbaba ng bilang ng mga manggagawa, ayon sa ulat.

Ayon sa kahulugan ng United Nations, inuuri ang isang bansa bilang isang “aging” society kung ang matatandang mamamayan nito – edad 65 pataas – ay bumubuo ng 7% ng populasyon nito; “aged” kung ang matatanda ay bumubuo ng higit pa sa 14% ng populasyon; at “super-aged” kung ang matatanda ay bumubuo ng mahigit sa 20%.

Ang ilang mauunlad at umuusbong na ekonomiya ay nahihirapan dahil sa tumatandang populasyon, ayon sa ulat. Sa 112 bansang na-survey ng Moody’s, 68 ang iuuri bilang “aging” sa susunod na taon, 34 ang magiging “aged”, at lima ang “super-aged” na lipunan. Ang Germany, Italy, at Japan ay nasa kategorya ng super-aged societies, samantalang ang Finland at Greece ay maaaring pumasok sa kategoryang iyon pagsapit ng 2015.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Walong bansa pa - Bulgaria, Croatia, France, Malta, the Netherlands, Portugal, Slovenia, at Sweden – ang papasok sa super-aged group pagsapit ng 2020. Ang aging rate ng mga bansang ito aymas mabilis kaysa ilang mauunlad na ekonomiya, ayon sa Moody’s. Pagsapit ng 2050, magkakaroon ng dalawang working adult sa bawat matanda na mahigit 65 anyos sa mauunlad na bansa at apat na working adult sa bawat matanda na mahigit 65 anyos sa umuunlad na bansa.