Matapos ang pagsibak sa puwesto sa 20 opisyal ng National Food Authority (NFA), patuloy pa rin ang ipinatutupad na pagbabago sa nasabing ahensiya.

Ito ang tiniyak ni Presidential Assistant on Food Security Francisco “Kiko” Pangilinan sa kabila ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga opisyal ng NFA.

Sinabi ni Pangilinan na marami siyang tinatanggap na tip mula sa text o social media tungkol sa mga anomalyang nangyayari sa NFA sapul nang siya ay mapuwesto.

Sakaling mapatunayan na totoo ay agad bibigyan ng pansin at pasasagutin ang mga inirereklamong opisyal ng nasabing ahensiya.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Dagdag ni Pangilinan, maganda ang naging Memorandum of Agreement nila ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI), na nagtalaga ng mga tauhan para hulihin ang mga rice trader na sangkot sa mga anomalya.

Nauna rito, isang raid laban sa negosyante ng bigas sa Naga City ang isinagawa rin ng mga awtoridad; inilipat umano ng mga negosyante ang NFA rice sa sako ng commercial rice para maibenta ito sa mas mataas na halaga.