Para sa isang nasa bad mood, hindi madaling maghanap ng taktika upang makaalis sa ganoong damdamin. Ngunit kung hindi mo gagawing responsibilidad ang paghahanap ng sarili mong kaligayahan, sino ang gagawa niyon para sa iyo? Narito pa ang ilang mungkahi upang mawala ang ating bad mood:

  • Magluto ka. Bukod sa mae-enjoy mo na ang pag-aaral ngbusangboutahe, bida ka pa sa mga hahainan mo nito.
  • Bumili ka ng something new na mumurahin ngunit mae-enjoy mo, halimbawa: bagong lipstick, lip gloss, pabango, sabong hindi mo pa nasusubukan at kung anu-ano pa.
  • Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

  • Mamasyal sa mall. Mag-window shopping. Tumingin ng mga bagong style ng damit, sapatos, bags, sinturon, shades, atbp.
  • Mag-shadow boxing, mag-jump rope, mag-exercise. Maglakad-lakad sa labas ng inyong bakuran, mamasyal sa plaza.
  • Magbasa ng diyaryo kahit luma. Basahin ang pahina 12 ng Balita. Gupitin ang nakaraang isyu ng Sandali Lang at ibigay sa iyong best friend.
  • Patugtugin ang paborito mong musika. Sabayan mo ng pagkanta ang paborito mong kanta. Sumayaw ka sa mabilis na tugtog.
  • Bumili ng chocolate at kainin mo iyon nang paunti-unti.
  • Itaob mo ang iyong aparador at muling ayusin ang pagkakasalansan ng iyong mga damit at gamit. Malamang may madiskubre ka pang isang bagay na matagal mo nang hindi nakikita.
  • Gumawa ka ng mabuti sa iyong kapwa, nang walang hihintaying kapalit.
  • Idalangin ang mga taong nagpapahirap sa iyong kalooban at makasusumpong ka ng linaw ng isipan. Malamang na mahalin mo pa sila at unawain na lamang.