Ang taumbayan, yaong nakaaalala pa ng mga pangyayari sa EDSA People Power Revolution noong Pebrero 1986, ay kilala si Agapito “Butz” Aquino. Naroon ng pakiramdam ng walang katiyakan nang magsimulang magtipun-tipon ang mga tao sa harapan ng Camp Crame at Camp Aguinaldo sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA), hinahamon ang isang diktaduryang gobyerno na namayani sa loob ng 20 taon at nagpakulong sa marami sa mga piitan, kabilang na ang nangungunang leader ng oposisyon na si Sen. Benigno S. Aquino Jr.

At pagkatapos, dumating ang isang masa ng kalalakihan – mga miyembro ng August Twenty-One Movement (ATOM), na hango ang pangalan sa araw na pinaslang si Sen. Aquino noong 1983. At nangunguna sa grupo ng ATOP na nagpaigting ng pagtitipon ng madla sa EDSA ay si Butz Aquino, ang nakababatang kapatid ng pinaslang na senador.

Nagpatuloy si Butz sa paglilingkod sa bayan bilang kongresista ng Makati at kalaunan naging senador. Siya ang sumulat ng Cooperative Code of the Philippines pati na ang Magna Carta for Small Farmers. Sa loob ng maraming taon matapos ang kanyang pagreretiro sa serbisyo publiko, nangaral siya ng kahalagahan ng cooperativism bilang makapangyarihang kasangkapan upang matulungan ang mas nakararami nating kababayan.

Ang mga aalala ng ATOM at ni Butz Aquino ay muling nabuhay noong isang araw nang idaos ng buong bansa ang ika-31 taon ng kamatayan ni Ninoy Aquino sa tarmac sa Manila International Airport – na ngayon ay Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Nagtalumpati siya sa seremonya ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Ninoy sa NAIA Terminal 3.

DepEd, isinusulong ang kahalagahan ng rights-based education

Ang nakapukaw ng atension ng media, gayunman, ay ang hindi inaasahan niyang pangungusap, na hindi lamang ng mga anak na babae ni Ninoy kundi ng kanyang mga kapatid na lalaki, na sumusuporta sa layuning tumakbo ni Vice President Jejomar Binay sa panguluhan sa 2016.

Ikinagulat ito ng marami lalo na kung iisipin ang pagsisikap ng maraming malalapit kay Pangulong Benigno S. Aquino III, ang anak ni Ninoy, na sumusuporta at naghahangad ng ikalawang termino para sa kanya.

Nagpapatuloy ang debate sa reeleksiyon, pati na ang kontrobersiya sa pag-aamiyenda ng Konstitusyon na nagbabawal ng reeleksiyon ng isang pangulo. Nabigyang-linaw ba ito ng pangungusap ni Butz Aquino – o lalo nitong pinagulo ang situwasyon? Kung ano man ang sagot, tiyak na nakadagdag ito ng bagong lasa at kulay sa pulitika ng Pilipinas. Tunay ngang nagsimula na ang panahon ng eleksiyon.