Matapos manggulat sa nakaraang ikalimang laban, nagpatuloy pa sa kanilang pamamayagpag ang Lyceum of the Philippines University (LPU) sa pamamagitan ng 4-0 pagwalis sa Emilio Aguninaldo College (EAC) sa pagpapatuloy ng NCAA Season 90 chess tournament sa Athletes Dining Hall sa Rizal Memorial Sports Complex.

Dahil sa naturang panalo nina Jan Francis Mirano, Prince Mark Aquino, Jonathan Jota at John Jasper Laxamana, mayroon na ngayong kabuuang 19 puntos ang Pirates, tatlong puntos ang agwat sa pumapangalawang Arellano University (AU), San Beda College (SBC) at College of St. Benilde (CSB).

Maliban sa Pirates, sorpresa din ang pagpuwesto ng Chiefs at Red Lions sa top two dahil sa kanilang naitalang 2-2 draw kontra sa Blazers at 3.5-.5 panalo laban sa Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers, ayon sa pagkakasunod.

Nakabuntot naman sa kanila ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals, Letran Knights at ang defending champion San Sebastian College (SSC) Stags na mayroong 14, 13, at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nasa ikawalong puwesto naman ang Mapua Cardinals na may 10 puntos habang nasa ilalim pa rin ang Heavy Bombers at University of Perpetual Help Altas na kapwa may tig-2.5 puntos.