Walong kalahok mula sa 2-Year-Old ang maglalaban sa 2014 Philracom 1st leg ng Juvenile Fillies at Colts Stakes races sa Saddle and Club Leisure Park sa Naic, Cavite bukas ng hapon.

Kapapalooban ito ng tatlong bakbakan sa Colts at lima sa Fillies kung saan ay magkakagitgitan ang magkakatunggali sa 1,000 meter distance na kapwa may garantisadong premyo na P1 milyon.

National

47% ng mga Pinoy, naniniwalang bubuti ang buhay sa susunod na 12 buwan – SWS

Magkakasubukan ang mga kalahok na Cat Express, Karangalan at Super Spicy na magdadala sa 54kg habang ang mga kalahok na Hook Shot, Jazz Asia, Leona Lolita, Princess Ella at Viva La Vida ay nakatuon sa timbang na 52kg.

Naghihintay ang premyong P600,000 sa magwawagi, habang P225,000 sa pangalawa, P125,000 sa ikatlo at P50,000 sa ikaapat. Mabibiyayaan naman ng P30,000 breeder para sa mananalong kabayo.

Mabibigyan ng malaking laban ang couple entry na Cat Express at Princess Ella at Super Spicy ni Hermie Esguerra at Karangalan na alaga ni Amor Nacional.

Samantala, magandang pagkakataon din ang ibibigay ng Hook Shot, Jazz Asia at Viva La Vida para sa maigting na labanan.

Nakaantabay rin sa karera ang Class Division, Special Class Division at Handicap races.