Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. DLSU vs UP

4 p.m. UST vs FEU

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Muling makasalo sa pamumuno sa Ateneo de Manila University (ADMU) sa pamamagitan ng pagpuntirya ng kanilang ikapitong panalo ang kapwa tatangkain ng defending champion De La Salle University (DLSU) at Far Eastern University (FEU) sa dalawang magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng ikalawang round ng UAAP Season 77 basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Magkasalo sa ikalawang puwesto na taglay ang barahang 6-2 (panalo-talo), sasalang ang Green Archers kontra sa University of the Philippines (UP) Fightng Maroons sa ganap na alas-2:00 ng hapon at Tamaraws laban naman sa University of Santo Tomas (UST) Tigers sa tampok na laban sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Muli, pinapaboran ang Green Archers na manaig laban sa Fighting Maroons na patuloy na tinututukan na masundan ang unang tagumpay na naiposte laban sa Adamson Falcons University (AdU) sa pagtatapos ng first round.

Sa huling laban, nakabalik sa winning track sa kanilang unang laro sa second round kontra sa Adamson, umaasa naman ang Tigers na makapagsimula muli ng winning run na taglay ang momentum mula sa nasabing 61-59 panalo laban sa Falcons.

“Hopefully, ito na iyong maging start ng unti-unting pagganda at pagbalik ng laro namin,” pahayag ni UST coach Bong dela Cruz na umaasa ring sa pagsalang nila kontra sa Tamaraws ay nagbalik na rin ang dating lakas ng sentrong si Karim Abdul na naospital kamakailan sanhi ng “viral infection”.

Sa kabilang dako, hangad naman ng tropa ni coach Nash Racela na maipaghiganti ang natamong 67-69 kabiguan sa kamay ng Tigers sa first round.

Para naman sa Tamaraws, hangad ni Racela na magkaroon na ng consistency sa execution ang kanilang play sa opensa at depensa ng kanyang mga player.

Nanggaling ang Tamaraws sa 74-70 paggapi sa dating namumunong National University (NU) sa pagsisimula ng kanilang second round campaign.