Sasailalim sina 2-time Olympian rower Benjie Tolentino at Southeast Asian Games gold medalist Nestor Cordova sa matinding pagsasanay ng isang premyadong Olympic at World Champinships coach bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalapit na 17th Asian Games sa Incheon, Korea

Pamumunuan nina Tolentino at Cordova ang lima-kataong Asia Rowing Team na kinabibilangan din nina Alvin Amposta, Roque Abala at Edgar Ilas.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Ang koponan na kasalukuyang nagsasanay sa La Mesa Dam ay nakatakdang sumailalim sa kinikilalang coach na si John Robinson na maraming beses itinulak ang New Zealand sa gintong medalya sa World Champinships at ilang pilak at tanso sa kada apat na taon na Olympics.

Sinabi ng Sydney Olympian na si Tolentino na nakarehistrong magpartisipa sa Single Sculls na mas handa siya ngayon kumpara sa nakalipas na sinalihang kompetisyon kung saan ay maraming binago at naisaayos sa kanyang technique at physical conditioning sa ilalim ng foreign coach.

Mataas din ang kumpiyansa ni Cordova, ang 2-time SEA Games gold medalist, sa malaking pagbabago sa kanya at maging sa kanyang dating katambal na si Alvin Amposta sa kanilang nagawang pagsungkit sa tansong medalya sa lightweight sculls noong 2002 Busan Asiad.

Ang 36-anyos na si Cordova ay makikipagtambalan ngayon sa 25-anyos na si Edgar Ilas habang si Amposta ay makakasama ang isa pang baguhang paddler na si Roque Abala sa heavy double sculls.

Sinabi naman ng coach na si Robinson na hindi pa naaabot ng limang rowers ang pinakamagandang kundisyon.

“They can be at par with the Chinese and stand a good chance of respectable performance provided that they continue their hard training and believe in themselves,” sinabi ni Robinson, na katulong sa pagbabantay sa limang rowers si local coach Ed Maerina.

Nabatid kay Maerina na ilan sa kanilang matinding makakaharap ang Iran, India, Japan, Kazakhstan, China at ang host Korea para sa hinahangad na mga medalya.

Magtutungo ang rowers sa Incheon sa Setyembre 15 para na rin pagsasanay at maging pamilyar sa race course bago ang kompetisyon na gaganapin sa Setyembre 20 hanggang 25.