ARINGAY, La Union – Nagpahayag ng mariing pagtutol ang isang grupo ng mga concerned citizen sa bayang ito sa panukalang House Bill 4644 na inihain sa Kongreso para pag-isahin ang mga bayan ng Agoo at Aringay upang gawing siyudad.
Sinabi noong Huwebes ni Silverio Mangaoang Jr., isa sa mga convenor ng “No To Merger of Agoo-Aringay Movement”, na ang pinaplanong pag-iisa ng Agoo at Aringay para maging Agoo-Aringay City ay makahadlang sa isinusulong na pag-unlad ng Aringay.
Matatandaang Hunyo 11, 2014 nang inihain ni La Union 2nd District Rep. Eufranio C. Eriguel ang HB 4644 sa Kongreso na lilikha ng isang component city sa pagsasama ng mga bayan ng Agoo at Aringay para makatupad sa mga requirement ng isang siyudad.
“The complications and the level of townsfolk discontent in a merges takes the focus away from these deliberate, relevant and sensible mechanism for growth,” ani Mangaoang. “Aringay has achieved a national reputation from its esteemed past and damaging its brand, changing its mission and merging it with another town to accommodate the needs of the town to achieve cityhood would damage the long held tradition of a town that persevered as a people through the years.”
Aniya, libu-libong taga-Aringay na ang sumuporta sa “No To Merger of Agoo-Aringay Movement”. - Freddie G. Lazaro