JOHANNESBURG (Reuters) – Itinataboy ng nakaaalarmang Ebola outbreak sa West Africa ang libu-libong turista na planong magbiyahe sa Africa ngayong taon, partikular ang mga Asian, na papasyal sana sa mga bansa sa rehiyon na malayo naman sa mga apektadong lugar.

Mahigit 1,200 na ang napatay ng Ebola ngayong taon sa tatlong maliliit na estado sa West Africa, ang Liberia, Sierra Leone at Guinea, at may naitalang kaso na rin sa Nigeria.

Bagamat wala nang iba pang kaso ng Ebola sa labas ng nasabing mga bansa, maraming turista ang nangangambang magbiyahe sa alinmang bahagi ng kontinente, ayon sa mga tour operator sa Africa at Asia.
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso