Kapag sinabing “masama ang timpla” mo, nangangahulugan ito na nasa bad mood ka. Mayroon ka na bang nasubukang paraan upang mawala ang iyong bad mood?

Madaling sagutin ang tanong na ganito: “Ano’ng ulam mo?” ngunit mahirap naman sagutin ang tanong na “Paano aayusin ang masama mong timpla?” o “Paano mawawala ang bad mood?”

Para sa isang nasa bad mood, hindi madaling maghanap ng taktika upang makaalis sa ganoong damdamin. Ngunit kung hindi mo gagawing responsibilidad ang paghahanap ng sarili mong kaligayahan, sino ang gagawa niyon para sa iyo?

Nang tayo ay lumaki at tumanda, wala tayong ina na papahid ng ating luha at aaliw sa atin na kasing dalas noong mga musmos pa tayo sa tuwing malulungkot o maiiyak tayo sa galit. Mahalaga na alam natin kung paano gawin iyon para sa ating sarili. Ang bad mood ay bahagi ng ating emosyon sa buong buhay natin. Kahit ang nga banal at nagbabanal-banalan ay sumasama rin ang timpla. Normal lang ang magkaroon ng bad mood at nakatutulong pa nga ito upang malinawan ang ating isipan, makapagdesisyon nang maayos, at tumatalas ang ating memorya.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ngunit walang saysay ang paghahangad ng katiwasayan ng kalooban kung ibibigay sa iyo ang isang malaking trabaho ilang minuto lamang ay uwian na, o ang maipit ka sa matinding traffic sa EDSA o saan mang lansangan, o ang tanungin ka ng isang nagtatanga-tangahan kung saan matatagpuan ang Calle Bobo eh nasa Calle Bobo na nga kayo. Sa mga pagkakataong ganoon, makahahanap tayo ng paraan upang maiwasan na sumama ang timpla natin. Narito ang ilang mungkahi upang mawala ang ating bad mood:

  • Mag-shower. Sa lagaslas ng malamig na tubig, mapapahinga ang iyong isip at kalooban. Makaiisip ka nang mabuti.
  • Manood ka ng teleserye. Ang problema at situwasyon sa ng mga ginagampanang karakter ay higit na mas malala kaysa iyo.

Sundan bukas.