Lalong pinalakas ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang kampanya kontra krimen.
Sa Bantay Lahat, Lahat Bantay (Kulturang Laban sa Krimen) congress sa Marikina Convention Center, inilatag ang papel ng mamamayan at pulisya para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Bukod sa pagtalakay sa crime rate, tinutukan din ang iba’t ibang modus operandi ng mga kriminal at mga paraan para makatulong ang bawat mamamayan sa pagsugpo sa krimen.
“Ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ay responsibilidad nating lahat, kung kaya’t marapat lamang na tayo bilang naatasang magpanatili nito, o maging ang mga ordinaryong residente man ay makibahagi sa paglaban sa kriminalidad,” pahayag Sr. Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police.
Binanggit niya na batay sa kanilang datos mula Enero hanggang Hunyo, mula 1,206 kaso, 512 ang naresolba at 249 katao ang nakasuhan.
Pinarangalan ng Eastern Police District Office ang pamahalaang lungsod ng Marikina dahil matagumpay ang kampanya nito laban sa ipinagbabawal na gamot gayundin sa buhos na suporta sa pulisya kontra krimen.