Isang Indian warship ang dumating sa Manila noong Miyerkules para sa isang port visit, inihayag ng embahada ng India.

Ang INS Sahyadri, isang guided missile stealth frigate na gawa sa katutubong materyales, ay nagmula sa Honolulu, Hawaii matapos sumali sa Exercise Rimpac 2014.

Ipinagmamalaki ng multi-role stealth frigate ang iba’t ibang armas sa arsenal nito gaya ng long range anti-ship missiles, medium and short range surface to air missiles, habang ang dalawang multi-role helicopters na karga ng barko ang nagsisilbing force multipliers sa lahat ng maritime scenario dahil sa versatility at long range.

Kinomisyon noong Hulyo 2012, ang INS Sahyadri ay minamanduhan ni Captain Jyotin Raina at sakay ang 25 officers at 255 sailors. - Elena L. Aben
National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko