CABANATUAN CITY— Ang Nueva Ecija, na minsa’y binansagang “wild, wild West” ng bansa dahil sa warlordism, pulitical killings, at presensiya ng private armies ng mga politiko noong dekada ‘80s at ‘90s, ay mayroong 5,000 loose firearm, ayon sa report ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam ng BALITA kay Sr. Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Director, inamin niyang ‘unaccounted guns’ ang nasa kamay ng iba’t ibang indibidwal kabilang na ang mga kriminal.

Ayon pa kay,nieves ang probinsyang ito na sumasakop sa 27 munisipyo at 5 lungsod ang may pinakamaraming ilegal na baril na nakumpiska mula sa pitong probinsiya sa rehiyon mula Enero hanggang Disyembre 2013 sa ilalim ng pinaigting na kampanyang “Oplan Bilang Boga” at “Oplan Katok” sa buong Central Luzon. - Light A. Nolasco
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente