Aasintahin ng season host University of Perpetual Help Dalta System-Laguna ang ikalimang sunod na korona sa pormal na pagbubukas ngayon ng NCAA-South sa UPHSL grounds sa Binan, Laguna.

Tatayong panauhing pandangal ang aktor at sportsman na si Richard Gomez kasama si Mayor Marlyn Alonte-Naguiat sa bagong edisyon ng torneo na magsisimula sa ganap na alas-9:00 ng umaga na may temang “Shout and Cheer in Unity”.

Sinabi ni Management Committee chairman Otie Camangian ng host school Perpetual, Laguna na hangad nilang mamintine ang overall championships bagamat hindi nito ikinakaila na malaki din ang paghahangad ng 11 miyembrong eskuwelahan upang mapigilan ang Altas.

“We’re going for a fifth straight crown, but we know it’s not going to be easy,” sinabi ni Camangian sa pinakamalaking torneo na kinabibilangan ng 12 unibersidad.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabuuang 10 sports ang isasagawa ngayong taon na unang lalarga sa first semester ang basketball, volleyball, chess, at taekwondo.

Ang football, badminton, table tennis, lawn tennis, swimming, at beach volleyball ang paglalabanan naman sa ikalawang semester.

Maliban sa Perpetual, kasama din ang FAITH, EAC-Cavite, Letran, Philippine Christian University-Dasmarinas, San Beda-Alabang, De La Salle-Lipa, Lyceum-Batangas, First Asia Institute of Technology and Humanities, San Pablo Colleges, Don Bosco-Mandaluyong City, at University of Batangas.

Unang nagsimula ang NCAA–South na may apat lamang na unibersidad noong 1998 at tatlong sports na pinaglabanan bago lumobo sa ika-16 nitong taon.