WASHINGTON (AP) – Naglunsad ang Amerika ng mga panibagong serye ng air strikes laban sa grupong Islamic State (IS) na namugot sa ulo ng Amerikanong mamamahayag na si James Foley at kumubkob sa ilang teritoryo sa Iraq at Syria. Nangako si President Barack Obama na paiigtingin ang laban kontra sa teroristang grupo at inihayag ng White House na nabigo ang sekretong rescue mission ng Amerika sa Syria kamakailan na nagligtas sana kay Foley at sa iba pang Amerikanong bihag ng IS.
Sa kanyang maiksi ngunit mariing pahayag noong Miyerkules, sinabi ni Obama na ang Amerika “[would] do what we must to protect our people”.
Tumanggi naman ang State Department sa pagkakaroon ng mga U.S. military operation sa Syria, dahil matagal nang tumanggi si Obama na makialam sa tatlong-taon nang giyerang sibil sa nasabing bansa.
Inihayag ng IS na ang pagpatay kay Foley ay bilang ganti sa mga air strike ng Amerika laban sa mga militante sa Iraq at nagbantang papatayin ang iba pang bihag ng grupo kung magpapatuloy ang mga pag-atake.