NEW YORK (AP)– Habang nagpapahinga si Kevin Durant, nakatingin naman sa hinaharap ang U.S. national team.
Ginulat ni Durant ang Americans nang magdesisyon itong umalis sa koponan matapos mag-ensayo kasama ang koponan sa unang linggo ng training camp. Ngayong nagkaroon na sila ng pagkakataon na malampasan ang naging sorpresa, hindi na nila ito iniisip.
‘’I’m through talking about Kevin,’’ sambit ni U.S. coach Mike Krzyzewski kamakalawa matapos ang ensayo ng Americans para sa paparating na Basketball World Cup.
‘’We’re done with that. We’re on to this group. What a coach does, a coach coaches who he has, not who he doesn’t have. You’re married, you’re with that woman, you’re not thinking about who you dated.’’
Nag-pull out si Durant noong Agosto 7, ilang araw matapos ang pagsasanay ng koponan sa Las Vegas, kung saan una niyang inanunsiyo ang kanyang mga plano na maglaro para sa koponan ngayong summer.
Ngunit ang NBA MVP at leading scorer ay nagdesisyon na kinailangan niyan munang magpahinga higit sa kanyang pagnanais na manalo ng isa pang gintong medalya.
‘’I think for myself, I just needed to take a step back,’’ ani Durant.
Sinabi ni Durant na ang kanyang desisyon na mag-pull out ay “definitely tough,” at idinagdag niya na ang maglaro kasama si Stephen Curry noong 2010 world championship ay ‘’one of the best experiences of my life.’’
Siya ang hinirang na MVP ng torneo, nag-average ng 22.8 puntos sa pagkapanalo ng Americans sa event sa unang pagkakataon mula 1994. Siya rin ang leading scorer dalawang taon na ang nakararaan sa London Olympics at umiskor ng 19.5 puntos kada laro.
Ngunit iginiit ng Americans na kaya nilang umabante na wala siya.
‘’We’ve got to play,’’ sabi ni Anthony Davis. ‘’We can’t sit around and more because he dropped out.’’
Si Davis ay isa sa mga dahilan kung bakit naniniwala ang Americans na kaya nilang manalo kahit wala si Durant.
Siya ay naging dominanteng manlalaro sa kanilang naging panalo kontra Brazil noong Linggo sa Chicago sa kanilang exhibition opener. Maglalaro sila ngayong araw laban sa Dominican Republic sa Madison Square Garden.
Inaasahang maglalaro si Derrick Rose matapos hindi makilahok sa huling dalawang ensayo upang magpahinga.
Sina Davis at Rose ay kapwa dating overall No. 1 draft picks, bahagi ng malalim na U.S roster pool na natira sa pagkawala ni Durant. Silang dalawa ay mayroon ding international experience, si Rose ay naging starter para sa Americans sa Turkey noong nakaraang apat na taon at si Davis ay naging miyembro ng huling Olympic team.
Gaano man kagaling si Durant, hindi natatakot ang Americans na magtungo sa Spain na wala siya.
‘’If you’re competitive and you have a job to do and you have a goal, and that is to win another gold medal,’’ lahad ni USA Basketball managing director Jerry Colangelo. ‘’You take the hits, you take the lumps, take somebody else and let’s go.’’