(Reuters) – Isang China Eastern Airlines Corp passenger plane na nakatakdang lumapag sa Wuhan airport ang napilitang bumalik matapos makatulog ang air traffic controllers, lumabas sa isang imbestigasyon.

Ang insidente noong Hulyo 8 ay ang ikatlang aberya sa loob ng dalawang buwan na kinasasangkutan ng Chinese carrier.

Sa transcript ng flight na inilabas ng Civil Aviation Administration ng China noong Martes, ipinakikita na ang China Eastern flight crew ay pauli-ulit na nagtangkang makontak ang duty flight controllers sa Wuhan Tianhe Airport – dalawang beses sa English at isang beses sa Chinese. Ngunit walang sumagot sa kanilang mga tawag.

Kayat napilitan ang eroplano na bumalik ng hanggang 900 meters at umikot-ikot sa airport ng halos 10 minuto bago ito nakalapag, ayon sa ulat. Naganap ang insidente mula 2 hanggang 3 am

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso