Hindi ang pagpapalawig ng termino ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang sagot sa mga problema at sa pagpapatuloy ng mga reporma sa bansa.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sapat na ang apat na taon para makita ng sambayanan kung ano ang kaya at hindi kayang gawin ni Pangulong Aquino bilang pinuno ng bansa.

Posible rin umanong diversionary tactic lamang ito ng pamahalaan upang makalimutan ng mga tao ang mga isyu hinggil sa DAP at PDAF.

“No, it cannot be. I do not know why this has come out. Is this a diversionary tactic? So the tao... we have forgotten about the PDAF, DAP. We are talking about his term extension. How could he have said this when in fact he has now the lowest approval rating ...and talk about his second term,” paliwanag ni Cruz.

National

Hontiveros, nauunawaan ilang senador na binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Hindi lamang si Cruz ang tutol sa term extension ni PNoy kundi maging ang iba pang mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).