AFP– Sinabi ni world number one Serena Williams na nagbalik na siya sa kanyang “best shape” upang habulin ang ikatlong sunod na korona sa US Open matapos ang nakadidismayang taon sa Grand Slams.

Ang American superstar ay hindi nakalampas sa fourth round ng kahit anong major ngayong 2014 matapos indahin ang pananakit ng likod at viral infection na naging sanhi ng nakagugulat na third-round singles exit sa Wimbledon.

Ngunit lahat ito ay nakaraan na, ayon kay Williams, matapos niyang dominahin si Ana Ivanovic at kunin ang panalo sa Cincinnati noong Lunes.

“I’m in some of the best shape I’ve been in,” aniya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“I can play long points and be ready to go again. I feel really fit -- 32 is the new 22, right?”

Ang US Open sa Flushing Meadows ay mag-uumpisa sa darating na Lunes (Agosto 25).