Lyca's sa MMK_ADOR copy

PINAKATUTUKAN ng televiewers ang ang pagsabak sa pag-arte ng grand winner ng The Voice Kids Philippines na si Lyca Gairanod sa pagsasabuhay ng kanyang kuwento sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN noong nakaraang Sabado.

Ayon sa resulta ng viewership survey ng Kantar Media, ang MMK episode na nagtampok ng life story ni Lyca ang pinakapinanood na programa sa bansa noong weekend. Umabot ito sa national TV rating na 38.4%, o triple ng nakuhang 12.8% ng katapat na programa sa GMA na Magpakailanman.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Bukod sa ratings, namayagpag rin sa Twitter ang unang MMK ni Lyca. Sa sobrang dami ng tweets ng netizens tungkol sa madamdaming episode, agad naging bahagi ng listahan ng worldwide trending topics ang official hashtag ng programa na #MMKLyca. Pumasok din bilang isa sa nationwide trending topics ang mga katagang "watching MMK."

Samantala, sina Enchong Dee at Pokwang naman ang sunod na magbibida sa panibagong family drama episode ng MMK.

Ngayong Sabado, bibigyang-buhay nina Pokwang at Enchong ang mga karakter ng mag-inang Lui at Paul na kapwa kinailangang gawin ang lahat upang suportahan ang kanilang pamilya nang dapuan ng malubhang sakit ang kanilang haligi ng tahanan na si Eddie (Robert Seña).

Paano napagtagumpayan ni Paul at nagawa pang magtapos na Magna Cum Laude sa kolehiyo sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na hinarap niya at ng kanyang pamilya?

Makakasama nina Pokwang at Enchong sina JB Agustin, Carlo Lacana, Phoebe Arbotante, Jerald Napoles, at Jaime Jalandoni, mula sa panulat nina Mark Duane Angos at Arah Jell Badayos at sa direksyon ni Garry Fernando.