Bill Gates, martha Stewar, Mark Zuckerberg copy

HINDI lamang ang iyong Facebook friends ang nakikibahagi sa ALS Ice Bucket Challenge. Nakiisa rin ang celebrities sa charitable act — at marami sa kanila ang naging abala rito nitong mga nakaraang araw.

Sinundan ang ginawa ng mga bituin mula kay Justin Timberlake hanggang kay Martha Stewart, mula kay Mark Zuckerberg hanggang kay Bill Gates, at ang iba pang famous faces — sina Lady Gaga, Robert Downey Jr., Taylor Swift, Chris Pratt, Kerry Washington, Selena Gomez, Jennifer Lopez, Justin Bieber, at Julia Louis-Dreyfus — ay humarap na rin sa hamon at nagkaloob sa ALS Association, na lumilikom ng pera para makahanap ng lunas sa amyotrophic lateral sclerosis, isang progressive neurodegenerative disease na kilala rin bilang Lou Gehrig's disease.

Sa tala noong Lunes, ang ALS Association ay nakatangap na ng nakamamanghang $15.6 milyong donasyon — kumpara sa $1.8 million sa parehong panahon noong nakaraang taon (July 29 hanggang Aug.18) — salamat sa #IceBucketChallenge. Tumulong ang celebrities para palaganapin ang tungkol sa fun fundraiser.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"Of course celebrity involvement has been a great boost to ALS awareness," sabi ng tagapagsalita ng ALS Association sa Yahoo. "However, everyone's participation and challenging their friends and family is making a tremendous difference."

Ang totoo, kalat na ito. Ayon sa Facebook, mahigit 15 milyong katao ang sumali sa usapan tungkol sa ice bucket challenge sa social media site, sa pamamagitan man ito ng pagpaskil, pagkomento, o pag-like sa posts. Ang pigurang ito ay kabilang sa 1.2 milyong videos na nai-share. - Suzy Byrne/Yahoo Celebrity