Naghihintay lamang ng tiyempo ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) para maaresto ang nalalabi pang mga high profile fugitive.

Ito ang sinabi ni PNP-CIDG Chief Police Director Benjamin Magalong hinggil sa patuloy na pagtatago sa batas nina dating Dinagat Representative Ruben Ecleo at ang magkapatid na sina dating Palawan Mayor Mario Reyes at Palawan Governor Joel Reyes.

Inamin ni Magalong na masyadong mailap at madulas sa kanilang mga lugar na pinagtataguan ang tatlo kaya naman hirap silang masakote ang mga pugante.

Sinabi pa ni Magalong na nangangahulugan lamang na masyadong maingat ang tatlong high profile fugitive at batid ang kilos ng mga awtoridad.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa pinakahuling impormasyong nakuha ng CIDG, sinabi ni Magalong na naririto pa sa bansa ang ilan sa mga suspek.

Tumanggi si Magalong na tukuyin kung sino sa tatlo ang nasa paligid lamang at kung sino ang nakatakas na palabas ng bansa.

“Maghintay lang tayo at mahuhuli din natin ang mga suspek”, sinabi ni Magalong.