Kumpirmado nang maglalaro para sa Gilas Pilipinas sina naturalized center Andray Blatche at ang isa sa mga hero ng nakaraang FIBA Asia Cup sa China na si Paul Lee sa darating na FIBA World Cup.

Mismong si Gilas coach Chot Reyes ang nag-anunsiyo ng kanilang desisyon na ipasok ang dalawa sa line-up ng Gilas na sasabak sa FIBA World Cup na idaraos sa darating na Agosto 30 sa Spain.

Sa kanyang twitter account, nag-post si Reyes na si Blatche ang kanilang magiging bagong naturalized player na nangangahulugan na mawawalan ng spot sa team ang dating naturalized center na si Marcus Douthit habang ipinalit naman si Lee sa slot na nabakante ni Larry Fonacier na nagpasiyang hindi sumama sa team para magpagaling sa kanyang iniindang injury.

“We are tapping Paul Lee to take Larry Fonacier’s spot and Andray Blatche as our naturalized player for the World Cup,” nakasaad sa post ni Reyes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasama ng dalawa sa 12-man roster ng Gilas na sasabak sa FIBA World Cup, kung saan kabilang ang Pilipinas sa Group B na kinabibilangan din ng Croatia, Greece, Argentina, Puerto Rico at Senegal, sina Junemar Fajardo, Ranidel de Ocampo, Jason Castro, Gary David, LA Tenorio, Jeff Chan, Gabe Norwood, Gary David at Jimmy Alapag, na nauna nang hindi napasama sa line-up ng koponan na sasabak naman sa Asian Games sa Incheon, South Korea.

Nabigo namang makapasok sa regular line-up ang mga cadet players na sina Beau Belga, Jay Washington at Jared Dillinger na siyang kapalit ni Alapag sa line-up para sa Asiad.

Samantala, nasa kasagsagan na ng huling bahagi ng kanilang paghahanda ang koponan.