Agosto 20, 1977 nang inilunsad ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang Voyager 2 space craft, dalawang linggo kasunod ang sister space craft nitong Voyager 1.

Ginawa na may 3.7 metrong antenna at iba’t ibang instrumento at transmission devices, at storage capacity na 62 megabytes pangunahing misyon ng US-built space ang lumipad sa Jupiter, Saturn, Uranus, at Neptune para mangalap ng datos at i-transmit ito sa Earth. Noong 1989 nagpadala ang Voyager 2 ng mga imahe ng celestial bodies.

Sa kasalukuyan, dumadaan ang space craft sa heliosheath, o ang pinal na hangganan ng solar system. Ang Voyager 2 ay may gold-plated disc ng mga impormasyon tungkol sa Earth at sa inhabitants nito. Inaasahang magpapatuloy ito sa pagta-transmit ng mga impormasyon hanggang sa 2025.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho