Ang Social Weather Stations (SWS) ay isang private, independent, non-partisan, non-profit na scientific institution sa Pilipinas na walang ibang layunin kundi ang mangalap ng opinyon ng publiko sa ating bansa. Ayon pa na sa Wikipedia, nagsasagawa ito ng mga survey, nananaliksik, na gumagmait ng mga pamantayang propesyunal para sa pangunahing layunin na itaguyod ang mas malawak na kalidad ng buhay ng mas nakararaming Pilipino sa isang demokratikong lipunan. Itinatag umano ito noong Agosto 1985 at kinikilala ng World Association for Public opinion Research na nakabase naman sa Amerika.

Ngunit ni minsan, hindi ako naimbitahan para sumagot ng kanilang survey. gayundin ang iba kong kakilala, kaopisina, kapanalig, kapamilya, at kapuso. Siguro lang, hindi ko naman tiyak, pinipili lamang nila ang isasalang nila sa survey – yaong karapat-dapat lamang. Kung ganoon, huwag na nating alamin. Sa SWS kaya may bakanteng posisyon upang doon magtrabaho ang ilan nating kababayang “nagbibilang ng poste”?

May nakapag-ulat kasi na lumobo ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa ikalawang bahagi ng 2014, at iyon ay ayon sa SWS. Ito ay matapos pumalo sa 11.8 milyong Pilipino ang walang hanapbuhay, base sa SWS survey na isinagawa noong Hunyo 27 hanggang 30 sa 1,200 indibidwal na edad 18 pataas.

Anito, umakyat sa 25.9% ang joblessness rate sa ikalawang bahagi ng taon mula sa 25.7% o 11.5 milyong Pinoy na naitala noong unang bahagi. Sa pinakahuling survey, bumaba sa “mediocre” +3 ang optimism on job availability o positibo sa pagbubukas ng mas maraming trabaho sa mga susunod na buwan mula sa “fair” +13 sa unang bahagi ng taon. Samanatala, kaugnay sa nasabing survey, inihayag ni Communications Secretary Sonny Coloma na patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan sa paglikha ng mas maraming trabaho

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa mga survey natin nakukuha ang mga impormasyon kung nais nating malaman kung ano ang pulso ng sambayanan hinggil sa mahahalagang aspekto ng pulitika, ekonomiya at pamumuhay sa ating bansa. Maaari itong katigan, maaari rin namang hindi. Ang mahalaga ay ang resulta na ating nakikita sa mga pagsisikap ng mga kinauukulan.