Matinding aksiyon ang ihahandog ngayon ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa paghataw ng 2-Year-Old Maiden A, Special Handicap, Metro Turf Special, Class Division at Handicap races sa Malvar, Batangas.
Limang batam-batang mananakbo ang maglalaban sa 2-Year-Old Maiden A race bilang panimula na rin ng Winner Take All. Kabibilangan ito ng Teejay’s Gold, Precious Jewel, Luau at couple entry na Rafa at Love of Course.
Sa race 2, lalarga naman ang 1st Pick 5 na magtatapos sa race 6, magtatagpo ang siyam na kalahok kung saan ay pinapaboran ang couple entry na Gracious Host at Masaganang Ani kontra sa Golden Hue.
Ang Pick 6 na kinagigiliwan ng marami ay magsisimula sa race 3 hanggang sa race 8 na dito ay lubhang pinapaboran ang Shining Light laban sa apat na mananakbo.
Sa race 4, tiyak na magiging maganda ang laban sa pagitang ng Heart Summer at Sea Master kung saan ay nakaantabay ang 2nd Pick 5, Quartet at Pentafecta.
Pinapatok naman ang Role Model sa anim na kabayong maglalaban para sa pagsisimula ng Pick 4 event at mahigpit na magkakagitgitan ang Lion Fort,Tabelle at Bad Boy Migi sa race 5.
Lubhang minamataan ang Charming Liar sa race 6 at mahigpit na babantayan din ang palaban na Symphony.
Sa pagtatapos ng WTA event sa race 7, dalawa ang nakikitang maglalaban at ito’y ang Lady Liam at The Flyer subalit bantayan din ang dehadong Dugo’s Charm.
Sa huling karera sa race 8,magpapanagpo ang mahuhusay na mananakbo sa Class Division 4 para sa Super Six event na kinabibilangan ng Real Lady, Rock Shadow, Diamond‘s Gold, Angel of Mercy at Good as Gold.