Inatasan ni DILG Secretary Mar Roxas sa Philippine National Police (PNP) na aktibong tutukan ang mga kilabot na riding-in- tandem criminals para masugpo ang pamamayagpag ng mga ito sa bansa, partikular sa Metro Manila.

Sinabi ni PNP-CIDG chief Police Director Benjamin Magalong, mahigpit ang kautusan ng kalihim na tutukan na ang kaso ng riding-in-tandem criminals at kumikilos na sila upang masugpo ang kaliwa’t kanang krimen.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila ang local chief executive sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa bansa at nagkaisa sa pagpatupad ng magkatulad na ordinansa sa kani-kanilang nasasakupan upang makatulong sa mga awtoridad sa pagsugpo ng mga karahasan at krimen sa bansa. - Jun Fabon

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina