THE PAPAL PLANE (AFP)— Binanggit ni Pope Francis sa publiko noong Lunes ang kanyang posibleng kamatayan sa unang pagkakataon, binigyang ang sarili ng “two or three years” ngunit hindi isinantabi ang pagreretiro bago ito.

Nagsalita sa reporters sa flight pabalik sa Vatican mula South Korea, masiglang sinagot ng 77-anyos na papa ang tanong sa kanyang global popularity.

“I see it as the generosity of the people of God. I try to think of my sins, my mistakes, not to become proud. Because I know it will last only a short time. Two or three years and then I’ll be off to the Father’s House,” masayang tugon niya.

Sinabi ng Argentine pope na ngayon ay kaya na niyang dalhin ang kanyang popularidad “more naturally” ngunit noong una ay “ [it] scared me a little”.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina