Dinukot noong Lunes ng gabi ng mga armadong lalaki na hinihinalang mga miyembro ng Abu Sayyaf ang isang babaeng negosyante sa Zamboanga City, ayon sa military.

Sinabi ni Col. Andrelino Colina, commander ng Task Force Zamboanga, na dinala ng mga suspek si Michelle Panes sa Zamboanga Del Norte.

Tinangka rin umanong dukutin ng mga armado ang asawa ni Panel na si Noel Panes, pero nakatakas ang huli.

Ayon kay Colina, nangyari ang insidente bandang 6:40 ng gabi nang siyam na armado ang pumasok sa maliit na grocery store ng mag-asawa malapit sa pampang sa Barangay Labuan, Zamboanga City. - Elena L. Aben
National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes