Gen. Emmanuel Bautista

Ilang linggo matapos siyang magretiro sa serbisyo, muling balik serbisyo-publiko si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Emmanuel Bautista.

Ito ay matapos italaga ni Pangulong Aquino si Bautista bilang undersecretary of the Office of the President (OP).

Pinirmahan ng Pangulo ang appointment papers ni Bautista noong Agosto 11 at ang kanyang pananatili sa puwesto ay co-terminus kay PNoy.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“Naniniwala ang Pangulo sa kapabilidad ni Bautista bilang isang exemplary leader at professional manager,” ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr.

Isang miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1981 na tinukoy ni PNoy bilang “Manny Sundalo” dahil sa kanyang pagiging mapagkumbaba at propesyunalismo, isinalin ni Bautista ang liderato ng AFP kay Lt. Gen. Gregorio Catapang noong Hulyo 18. - Genalyn D. Kabiling