SAN FERNANDO CITY, La Union – Simula nitong Lunes ay ipinagbabawal na ang mabibigat at mahahabang sasakyan, o ang may higit sa walong gulong, sa Paoay-Balacad road upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko at pagkasira na rin ng kalsada.

Sinabi ni Esperanza Tinaza, information officer ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region 1 na ang advisory ay inilabas ng DPWH Ilocos Norte 2nd District Engineering Office makaraang ipag-utos ni Paoay Mayor Dolores Clemente ang pagbabawal sa mabibigat na sasakyan sa Paoay road.

Ang mga sasakyan mula sa Ilocos Sur at pahilaga ng Laoag City ay pinapayuhang kumanan sa Pinili-Manila north road junction patungo sa Banna-Marcos-Dingras road at lumabas sa San Nicolas-Manila north road junction.

Maaari ring dumiretso ang mabibigat na sasakyan sa Batac City bago kumanan sa Batac crossing patungong Batac-Banna-Marcos-Dingras-San Nicolas-Manila north road junction at vice versa sa mga sasakyang patimog sa Ilocos Sur at Metro Manila. - Liezle Basa Iñigo

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho