Ni MARIO B. CASAYURAN

Ipinasa na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng Senate Joint Resolution No. 2 o ang resolusyon sa pagbibigay ng karagdagang subsistence allowance para sa mga sundalo, pulis at bombero sa bansa.

Magiging epektibo ang panukala kapag naipasa na ang katulad na bersiyon sa Kamara de Representantes.

“The two legislative chambers direct the Department of Justice, the Philippine National Police (PNP), the Department of Interior and Local Government (DILG), all law enforcement and other agencies appropriate rules and regulations on presentation of suspects under their custody to the media including, but not limited to imposable administrative sanctions in cases of violators thereof,” saad sa resolusyon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Iginiit ni Senator Antonio Trillanes IV, principal author ng resolusyon, na pagkakalooban ng “modest increase” ang kasalukuyang subsistence allowance ng mga unipormadong kawani upang maitaas ang kanilang moral at bilang pagkilala sa kanilang mga sakripisyo para sa bansa.

Sa ilalim ng resolusyon, ang daily subsistence allowance sa lahat ng unipormadong kawani ay itataas sa P150 mula sa P90 at ito ay magiging epektibo sa Enero 2015.

“Particularly, those covered are the officers, enlisted personnel candidate soldiers, probationary second lieutenants, and civilian active auxiliaries of the Armed Forces of the Philippines (AFP) ; the commissioned and non-commissioned personnel of the Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), and Bureau of Jail Management and Penology (BJMP); the cadets of the Philippine Military Academy (PMA) and the Philippine National Police Academy (PNPA); and the Philippines Coast Guard (PCG),’’ pahayag ni Trillanes.