NAAWA naman kami kay Joseph Marco na kamakailan lang namin isinulat na mukha siyang lumang tao dahil sa makapal niyang buhok, nagpalit ng look, pero heto at may bago na namang tawag sa kanya: “Mukha siyang Troll.”
Sa mga hindi nakakaalam ay manyika si Troll na nabibili noong dekada 80’s sa Gift Gate na talagang hit na hit sa nakatayo niyang buhok na kulay pula.
Kaya naman nagpakulay ng pula at naka-brush up ang buhok ni Joseph Marco ay para sa papel niya bilang gangster sa Talk Back and You’re Dead na palabas na ngayong araw mula sa Viva Films at Skylight Films na idinirek ni Andoy Ranay.
Noong una ay natuwa kami sa buhok ni Joseph kasi nga nakaalis na siya sa imaheng lumang tao bilang si Dave sa Pure Love.
Pero nang mapanood nga namin ang buong trailer ng Talk Back and You’re Dead ay natawa kami sa reaksiyon ng mga katabi namin sa sinehan, “Kamukha niya si Troll.”
Bakit hindi na lang ibalik ni Joseph ‘yung dating hairstyle niya sa isang interview/pictorial niya sa isang hard magazine, mas bagay pa?
Speaking of Pure Love, mukhang mas bagay na love team sina Joseph Marco at Yen Santos kaysa kay Alex Gonazaga na mas bagay naman kay Arjo Atayde na hindi naman bagay kay Yam Concepcion dahil halatang matured na ang huli.