Nanatiling malinis ang mga record ng defending champion Centro Escolar University (CEU), San Beda College (SBC)-Alabang at Rizal Technological University (RTU) sa pagtatapos ng ikalawang linggo ng 45th WNCAA tournament.

Dinurog ng three-time seniors basketball champion CEU ang Miriam College, 125-16, na ginanap sa RTU gym sa Mandaluyong bago isinunod ang St. Scholastica’s College, 97-18, sa larong idinaos naman sa Rizal Memorial Coliseum upang umangat sa 3-0 (panalo-talo) baraha noong nakalipas na weekend.

Pumantay naman sa kanila ang RTU matapos magtala ng panalo laban sa Assumption, 100-21, at Philippine Women’s University, 92-45.

Nagkampeon naman sa midgets division sa nakalipas na tatlong taon, pinataob ng De La Salle Zobel ang Miriam, 54-29, at St. Paul College Pasig, 53-21 para umangat sa 3-0 kartada.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa seniors volleyball na ginanap sa St. Scholastica’s gym, dinomina ng defending champion San Beda ang University of Asia & the Pacific, 25-13, 25-9, 25-18, para sa ikalawang sunod nilang panalo.

Pinadapa naman ng RTU ang PWU, 25-21, 25-12, 25-21, at pinasadsad ng CEU ang Miriam, 25-8, 25-15, 25-7, upang makahanay sa liderato ang San Beda sa ligang ito na suportado ng Mikasa, Molten, OneA Bed and Breakfas at Goody.

Sinorpresa naman ng Poveda ang defending midgets champion na DLSZ, 21-25, 25-23, 27-25, bago tinalo ang SBCA, 25-21, 25-11, upang makamit ang pamumuno, 2-0, kapantay ang Miriam na namayani naman sa St. Paul, 16-25, 25-22, 25-18, at St. Scholastica’s, 18-25, 25-10, 25-20.